Labis ang pagluluksa ng anime at manga community sa pagkamatay ng Yugi-oh creator na si Takahashi Kazuki.
Ito ay matapos iniulat ng local media sa Japan na Japan Broadcasting Corporation ang balitang nakita ang katawan ni Takahashi sa dagat na may layong 300 metro mula sa baybayin ng Nago sa Okinawa, Japan.
Kinumpirma ng Japan Coast Guard si Takahashi ito matapos madiskubre ang isang abandonadong puting rental car kung saan bumibiyahe mag-isa ang naturang comics creator.
Pinaniniwalaang pumunta si Takahashi sa dagat upang mag-snorkeling dahil sa equipment na nakadikit sa kaniyang katawan.
Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang ugat ng kaniyang kamatayan.
Namatay si Takahashi Kazuo, ang totoo nitong pangalan sa edad na 60 kung saan nagsimula ito bilang manga artist noong 1980 at naging pamoso sa kaniyang obra maestra na Yu-Gi-Oh! noong 1996 na umiikot sa paglalaro ng duel cards.
Napasama rin ito sa Guinness Book of World Recods kung saan ito ang highest selling trading card game sa buong mundo kung saan mayroon na itong naibentang 25.17 billion sets.