LUMOBO | Biglang taas presyo ng manok sa Metro Manila, paiimbestigahan

Manila, Philippines – Gustong paimbestigahan ng United Broilers Raisers Association ang biglaang pagtaas ng presyo ng karne ng manok sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Nabatid kasi na aabot sa sampu hanggang dalawampung piso ang itinaas sa presyo ng kada kilo ng manok, lalo na ang paa, pakpak at pitso.

Sa Marikina market, P125 kada kilo na ang bentahan mula sa dating P105 habang tumaas naman sa P160 mula P150 ang kada kilo ng choice cut ng manok sa Pritil Market sa Tondo, Maynila.


Sabi ni United Broilers Raisers Association President Atty. Elias Jose Inciong, nakapagtataka ang biglang pagtaas ng presyo gayung wala namang kakulangan sa suplay nito.

Tiniyak naman ni Inciong na ilalapit nila ang nasabing usapin sa Department of Agriculture.

Facebook Comments