Manila, Philippines – Mabilis ang pagtaas ng obesity rate sa mga bata sa Asia-Pacific.
Base sa report ng UN Food and Agriculture Organization sa Bangko, umakyat sa 38 porsyento ang bilang ng mga batang overweight sa pagitan ng taong 2000 hanggang 2016.
Ayon pa kay Food Security and Nutrition Officer Sridhar Dharmapuri, kahit nangunguna pa rin ang America sa rehiyong may pinakamataas na obesity rates, mabilis naman ang pagtaas ng mga batang obese sa Asia-Pacific.
Nananatili namang highest sa adult obesity ang America, Mexico, New Zealand at Hungary habang pinakamababa ang Japan at South Korea.
Facebook Comments