
Nakakaalarma para kay Akbayan Rep. Perci Cendaña ang lomobong pork barrel na nakapaloob sa 2026 national budget na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee.
Pasaring pa ni Cendaña, dahil dito ay parang maaga yata ang bigayan ng Christmas ham kahit next week pa ang Pasko.
Dismayado si Cendaña dahil tinaasan o dinagdagan pa sa BICAM ang mga problematic items na inaasahan nyang reremedyohan, babawasan o tatapyasan.
Pangunahing tinukoy ni Cendaña ang pagtaas ng budget sa mga programa ng Department of Health (DOH) tulad ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).
Binanggit din ni Cendaña ang alokasyon para sa Assistance for Individuals in Crisis Situations (AICS), at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o (TUPAD).
Diin pa ni Cendaña parang zombie na nagbabalik from the dead ang unprogrammed appropriations.









