Babawasan sa ilalim ng administrasyon ni Partido Reporma Chairman at Standard-Bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson ang lumolobong utang ng gobyerno dahil sa pandemya.
Sa interview ng RMN News Nationwide, sinabi ni Partido Reporma Spokesperson At Cong. Francisco Ashley “Ace” Acedillo na sakaling maging presidente si Sen. Ping Lacson, isa sa kanyang gagawin ay ang ayusin ang sistema sa pagbabudget at pagpaplano ng pambansang pondo.
Ayon kay Ccedillo, tatapusin din ni Lacson ang paghahari-harian ng mga umaabuso sa pambansang budget sa pamamagitan ng pagbubusisi sa mga maaanomalyang insertion.
Aniya, sa ilalim ng pamumuno ni lacson ay madaling mahaharang ang mga proyekto ng gobyerno na alam niyang malaking bahagi ang mapupunta sa katiwalian, tulad ng nangyayari sa pork barrel system.