Napabilang sa “highest-rated Filipino food’ ng TasteAtlas ang numero-unong handa tuwing may okasyon, ang Lumpiang Shanghai.
Sa gradong 4.9, nasungkit ng Lumpiang Shanghai ang titulong Best Filipino Food na sinundan ng Sinigang na may gradong 4.8 at Tocino na may 4.7.
Habang kabilang naman sa kategoryang ‘great’ ang sisig, adobo at lechon.
‘OK’ namang matatawag, ayon pa rin sa TasteAtlas, ang mga pagkaing daing, pinangat at tortang talong.
Samantala, nasa ‘worst’ category naman ang balut, dinuguan at pinipig.
Facebook Comments