Lumubog na barko ng PN, walang nasaktan

Walang nasaktan na tauhan ng Philippine Navy (PN) sa Naval Station Pascual Ledesma sa Cavite matapos itong lumubog kasunod nang pananalasa ng Bagyong Paeng.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Benjo Negranza, nakita sa isinagawang aerial inspection ang tatlo nilang barko na nakatagilid at bahagyang nakalubog sa naturang Naval base.

Ayon kay Negranza, ang naturang mga barko ay ang BRP Rajah Humabon (PS11), BRP Sultan Kudarat (PS22) at BRP Cebu (PS28).


Paliwanag nito ang mga barko ay matagal nang na-decommission at nakadaong sa tinaguriang Navy graveyard dock habang naghihintay ng pinal na disposal.

Natanggal na aniya ang lahat ng equipment at maaring ma-salvage mula sa mga barko, at kasalukuyang sumasailalim sa disposal process alinsunod sa mga patakaran ng Philippine Navy.

Ang tatlong barko aniya ay nakapagbigay na ng mahusay na serbisyo sa bansa sa mahabang panahon at ngayon ay pinagpahinga na at ibebenta na bilang scrap metal.

Facebook Comments