
Nabahala ang Local Housing Board ng bayan ng Bayambang ukol sa paglobo ng bilang ng informal settlers sa mga No-Build Zones sa kanilang bayan kaya naman nagsagawa ang mga ito ng isang pagpupulong upang tugunan ang naturang sitwasyon.
Kasama ang mga miyembro ng Local Housing Board OIC Municipal Planning and Development Coordinator at Local Housing Board Chairperson Ma-lene Torio, tinalakay sa naturang pagpupulong ang kalagayan ng mga informal settlers lalo na sa mga naninirahan sa Military Reservation Area at dike.
Masinsinang pinagusapan ang mga posibleng maging kanilang aksyon nang sa gayon ay matulungan na maisaayos ang suliranin tungkol sa mga bahay na nakatayo mismo sa mga ipinagbabawal na area na pagpatayuan ng tirahan na nakasaad sa batas.
Present din sa naganap na pagpupulong ang mga kinatawan ng alkalde ng naturang bayan at mga Sangguniang Bayan Committee Chairman on Housing and Land Use, Municipal Legal Officer, PNP Bayambang OIC Chief, mga kinatawan ng CENPELCO at BayWad, at naroon rin ang mga concerned LGU department heads at mga punong barangays.
naimbitahan din sa pulong ang mga representative ng Department of Public Works and Highways-District Engineering Office IV, Philippine National Railways (PNR) representative, Pangasinan Housing and Urban Development Office, Department of Human Settlements and Urban Development para magbigay din ng kanilang suhestiyon sa naturang suliranin. |ifmnews
Facebook Comments









