Luna, Isabela, Drug Cleared Municipality na!

65

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang ideklara ngayong araw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 02 na drug cleared municipality na ang bayan ng Luna, Isabela.

Ayon kay Ginoong Jojo Gayuma, Assistant PDEA ng Southern Isabela, nakumpleto at dumaan sa masusing imbestigasyon at proseso ang kanilang mga isinumiteng dokumento sa regional office ng nasabing ahensya.


Ang bayan ng Luna ay binubuo ng 19 na barangay na pinamumunuan ni Mayor Jaime Atayde.

Sinaksihan ang nasabing aktibidad nina Hon. Abegail Sable, Sangguniang Panlalawigan ng Isabela bilang Vice Chairman ng Peace in Order at Panauhing Pandangal, Michael Angelo Benigno, representante ng DILG Isabela, Daryll Damzo na representante rin ng PDEA Isabela at ilan pang opisyal ng pamahalaan.

Facebook Comments