LUNCH BREAK PROTEST | Mga empleyado ng SC, nagprotesta kontra sa pagbubuwis sa benepisyo ng mga empleyado ng gobyerno

Manila, Philippines – Nagsagawa ng lunch break protest kanina ang mga empleyado ng Korte Suprema.

Kasama si COURAGE National President Ferdinand Gaite,iginiit ng mga empleyado ng Suprema Court ang kanilang pagtutol sa pagbubuwis sa mga allowance at benepisyo ng government employees.

Sinabi rin ni Erwin Ocson, Presidente ng Supreme Court Employees Association na sa halip na ang buwis ang itaas, dapat aniya ang sahod ng mga empleyado ang dagdagan.


Dapat din anilang baliktarin ang naunang desisyon ng Korte dahil malinaw naman sa national internal revenue code of 1997 na ang cash gift at Christmas bonus na lagpas sa 90 thousand pesos ang dapat lang buwisan.

Facebook Comments