LUNETA PARK | Monumento ni Gat Jose Rizal, nilinis

Manila, Philippines – Sa napakatagal na panahon, nilinis ang monumento ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal sa Luneta Park, bilang paghahanda sa paggunita ng ika-121 taong anibersaryo ng kanyang kamatayan sa December 30.

Pinangunahan ito ni Presidential Task Force On Media Security Usec. Joel Egco, National Historical Commission of the Philippines, National Parks Development Committee at Karcher, isang German company.

Ayon kay Egco – layon din nitong pangalagaan at pahalagahan ang mga simbolo ng pagiging Pilipino.


Umiikot sa buong mundo ang Karcher upang tumulong sa pangangalaga sa mga historical symbols ng bansa.

Facebook Comments