Naghahanda na ang Lung Center of the Philippines sa posibleng pagdami ng mga pasyente na magpapakonsulta o magpapa-admit sa kanikla.
Kasunod ito ng pagdagsa ng mga tao sa mga establisimyento gaya ng mga mall nang isailalim ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Paliwanag ni Lung Center – Administrative Services Manager Dr. Antonio Ramos – umuunti na ang pasyente nila sa COVID-19 wards at marami na ding bakanteng pwedeng gawing non-COVID-19 wards.
Pinag-usapan na din aniya nila ang pagkalap ng mas maraming medical supplies para sa bagong bugso ng magkakasakit.
Nabatid na pinapayagan sa mecq ang pagbukas ng ilang negosyo na layuning mabuksan ang ekonomiya kahit may krisis sa Coronavirus Disease 2019.
Facebook Comments