Idinaos ang turn-over ceremony ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) Data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) patungo sa Pamahalaang Lungsod ng Alaminos, kung saan pormal na naipasa sa lokal na pamahalaan ang datos na magsisilbing gabay sa pagpaplano at pagbuo ng mga programa.
Ang CBMS, na nakasaad sa Republic Act 11315 o CBMS Act, ay nagbibigay ng komprehensibong impormasyon upang mas mapabuti ang paghahatid ng pangunahing serbisyo sa bawat komunidad.
Ayon sa pamahalaang lungsod, mahalaga ang CBMS data upang maging mas epektibo ang paggawa ng polisiya at pagpapatupad ng mga programang inklusibo at nakatuon sa pangmatagalang pag-unlad.
Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa PSA, DILG, iba’t ibang departamento ng pamahalaang lungsod, at civil society organizations. Pinangasiwaan ang gawain ng City Planning and Development Office katuwang ang PSA Pangasinan.









