Cauayan City, Isabela- Bumuo ang City Government ng Task Force na magiging katuwang ng CSWD sa pag-identify sa mga pamilya na dapat mabigyan ng Social Amelioration Program sa Lungsod.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Mayor Bernard Dy, bubuuin ng Task Force ang mga City Officials at mga Guro sa bawat barangay na maaari nang lapitan kung mayroong sumbong o reklamo kaugnay sa pamimigay ng SAP.
Kaugnay nito, maglalabas ngayong araw ng Executive Order ang Lungsod para sa pagtatanggal ng mga barangay officials o Kapitan sa mga nakalistang pangalan na hindi naman karapat-dapat na makatanggap ng SAP.
Nilinaw ng alkalde na may mga pangalang tinanggal sa listahan matapos na ma-assess ng CSWD na mayroong kakayahan sa buhay ang benepisyaryo.
Sa ngayon ay nakapamahagi na ng financial assistance sa tatlong region sa Lungsod habang inuumpisahan na sa Poblacion area.