Lungsod ng Cauayan, Nakatakdang Isailalim sa State of Calamity sa Araw ng Lunes!

Inaasahan ang deklarasyon ng State of Calamity sa lungsod ng Cauayan sa araw ng lunes matapos ang pinsalang dulot ng Bagyong Rosita sa Lalawigan ng Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ni City Mayor Bernard Dy, inihayag nito na nasa mahigit isang libong kabahayan ang inisyal na bilang ng napinsala dala ng paghagupit ng naturang bagyo.

Giit pa ng alkalde na sa ngayon ay patuloy parin ang kanilang monitoring sa mga napinsala at pamamahagi ng mga relief goods sa mga naapektuhan ng bagyo.


Sa ngayon ay naghahanda narin ang lokal na pamahalaan ng Cauayan Kaugnay sa pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka habang hinihintay ang resulta ng monitoring sa pinsala ng bagyong sa sektor ng agrikultura.

Samantala, tuluy-tuloy parin hanggang sa ngayon ang pamamahagi ng tulong sa mga lugar na hindi pa naaabutan.

Facebook Comments