Friday, January 23, 2026

‎‎‎LUNGSOD NG CAUAYAN, NAKUHA ANG QUEEN ISABELA TOURISM 2026

‎Cauayan City – Nasungkit ng Cauayan City ang titulo bilang Queen Isabela Tourism 2026 sa ginanap na coronation night ng Queen Isabela nitong ika-21 ng  Enero.

‎Si Cristobal ay isang registered nurse na pansamantalang tumigil sa kanyang propesyon upang paghandaan ang kompetisyon.

‎Sa buong pageant, ipinamalas niya ang husay, disiplina, at dedikasyon na nagdala sa kanya sa tagumpay laban sa 31 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

‎Bukod sa titulo, nakuha rin niya ang Miss Kape Ilokano Ambassadress, Best in Casual Wear, at Best in Evening gown.

‎Samantala, bilang Queen Isabela Tourism 2026, gaganap si Cristobal bilang pangunahing tagapagtaguyod ng turismo ng Isabela, kabilang ang mga likas na yaman, kultura, at mga pagdiriwang gaya ng Bambanti Festival.

Facebook Comments