LUNGSOD NG DAGUPAN, ISINAILALIM SA ALERT LEVEL 4 NG COVID-19 MATAPOS MAKAPAGTALA NG SUNOD-SUNOD NA MATATAAS NA KASO

Isinailalim ng Department of Health (DOH) ang lungsod ng Dagupan sa alert level 4 ng COVID-19 matapos makapagtala ng sunod-sunod na matataas na kaso at sa pagtaas ng bed capacity sa lungsod.

Sa pinakahuling tala ng Dagupan City kahapon, mayroon ng 205 na aktibong kaso kung saan dalawampu ang dumagdag, siyam naman ang gumaling na sa sakit at isa ang nasawi.
Patuloy din sa pagbabakuna ang lungsod sa mga kabilang sa eligible group kung saan sumampa na sa 40, 899 as of August 6, ang bilang ng mga nababakunahan na kabilang sa a1, a2, at a3 group.

Ayon naman kay Dr. Rheuel Bobis, tagapagsalita ng DOH-CHD1, patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga LGUs na magsagawa ng istriktong border checkpoint at koordinasyon sa mga pribado at pampublikong hospital na dagdagan pa ang kanilang mga hospital beds para sa mga COVID-19 patient.


Aniya, ginagawa ng kagawaran ang lahat upang makontrol ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon kasabay din ng pag apela nito sa publiko na paigtingin pa ang pagsunod sa mga health protocols na inilatag ng kanilang opisina.

Samantala, wala pang naitatalang kaso ng DELTA variant sa lungsod ngunit mayroon ng isang kaso delta ang lalawigan ng Pangasinan kalaunay nag negatibo na rin.

Facebook Comments