Agad na isinailalim sa state of calamity ang lungsod ng Ilagan matapos padapain ni Bagyong Ompong ang mga maisan at palayan at unti unti narin nilalamon ng lumalawak na pagbaha ang maraming barangay ng nasabing lungsod. Sa panayam ng RMN News kay Mayor Evelyn Diaz, inaasahang pang tataas ang bilang ng mga evacuees kung saan ay umabot na sa mahigit labing isang libong indibidwal ang nakakalat sa ibat ibang evacuation centers ng lungsod. Sa inisyal na pagtaya ng agriculuture department ng lungsod ay nasa mahigit 370 milyon na ang pinsala sa agrikultura sa kanilang nasasakupan. Samantala, anumang oras mula ngayon ay maari nang maibalik ang supply ng kuryente sa malaking bahagi ng Isabela Electric Cooperative 2 dito sa lalawigan. Naghihintay na lang umano sila ng clearance mula sa National Grid Corporation of the Philippines ayon kay ISELCO 2 General Manager David Solomon Siquian. Maging ang tropa ng pnp at afp ay ipinakalat na rin sa ibat ivang bahagi ng Isabela at Cagayan upang tumulong sa clearing operation sa naging matinding epekto sa lalawigan ng Cagayan at ilang parte ng lalawigan ng Isabela. Tags: Ilagan, Evelyn Diaz, Isabela, Cagayan, ISELCO 2, NGCP
Lungsod ng Ilagan, Deklaradong nasa State of Calamity
Facebook Comments