Lungsod ng Ilagan Isabela, Isinailalim sa State of Calamity!

City of ilagan, Isabela – Agad na isinailalim kahapon sa state of calamity ang lungsod ng ilagan matapos padapain ni bagyong ompong ang mga maisan at palayan dahil sa unti-unting nilamon ng pagbaha ang maraming barangay ng nasabing lungsod.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Mayor Evelyn “Mudz” Diaz ng Ilagan, mabilis umano ang pagtaas ng bilang ng mga evacuees kahapon kung saan ay umabot sa mahigit labing isang libong individuals ang nakakalat sa iba’t ibang evacuation centers ng City of Ilagan.

Ngunit ngayong araw ay nakabalik na ang lahat ng evacuees sa kanilang mga tahanan at patuloy parin ang pamamahagi ng pamahalaang panlungsod ng relief goods sa lahat ng biktima ng bagyo.


Idinagdag pa ni Mayor Diaz na maraming barangay ang nalubog sa baha ngunit mabilis din na bumaba ang lebel ng tubig ngayong araw.

Igiit pa ng mayora na mahigit sa inisyal na 370 milyon ang napinsala sa agrikultura batay sa pagtaya ng Department of Agriculture ng Ilagan.

Patuloy din ngayon ang clearing operation ng mga tauhan ng pamahalaang panlungsod ng Ilagan sa mga daan dulot ng mga kahoy na naputol dahil sa bagyong ompong.

Samantala, anumang oras mula ngayon ay maari nang maibalik ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Ilagan matapos ang gagawing inspeksyon ng pamunuan ng ISELCO II.

Facebook Comments