Lungsod ng Ilagan, Isasailalim sa Pagsusuri ng DILG!

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang isailalim sa pagsusuri o ebalwasyon ngayong umaga ang Lungsod ng Ilagan sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government o DILG Team na may kaugnayan para sa Seal of Good and Local Governance (SGLG).

Ang lungsod ng Ilagan ay SGLG hall of famer na simula nang manungkulan si City Mayor Josemarie Diaz.

Bukod dito, ipinagmamalaki naman ni Mayor Diaz, na nasa tama at balanseng paggastos sa kaban ng bayan, peace and order situition sa kalungsuran ang naging dahilan sa katatanggap lamang nilang parangal na Best City Police Station sa bansa at iba pa na serbisyo publiko.


Iinaasahan naman ni Mayor Diaz na mapabilang muli ang Lungsod ng Ilagan sa mabibigyan ng parangal na SGLG ng DILG dahil sa magandang serbisyo na ibinibigay at paglilingkod sa mga libu-libong Ilagueño.

Facebook Comments