Lungsod ng Las Piñas, nagkasa ng community job fair ngayong araw

Ikinasa ngayong araw ng PESO Las Piñas ang Community Job fair sa Mary Mother of the Church Parish, BF Resort Village Barangay Talon na nagsimula kaninang alas- 9:00 ng umaga at matatapos ng alas-3:00 ng hapon.

Ayon sa Las Piñas Local Government Unit (LGU), inaasahan na nila na daan-daan ang magpupunta ngayong araw at ine-expect na mas dumami ang bilang ng mga hired on the spot at magkakaroon ng trabaho.

Sa ngayon, nasa higit 10 agencies ang nag-aalok ng mahigit 1,000 trabaho.


Patuloy naman ang panghihikayat ng PESO Las Piñas sa lahat ng mga gusto pang magtungo at mag-apply hanggang alas-3:00 ng hapon ay pwede pang magpunta at huwag kalimutan magdala ng inyong resume at ballpen maging ang ibang dokumento para sa mabilis na proseso ng pag-a-apply.

Facebook Comments