Lungsod ng Makati, magpapatupad ng online medical consultation simula bukas

Ipatutupad sa Lunes, July 13, 2020 ng Ospital ng Makati (OsMak) ang online consultation ng kanilang mga doktor.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, layunin nito na mas paigtingin pa ang serbisyo ng OsMak sa mga residente nito.

Gamit ang bagong virtual health care service na ‘OsMak e-Consult’, maaari nang magpakonsulta ang Makatizens; tuwing Lunes, para sa medical and surgery clinics; tuwing Martes, para sa pediatrics and OB-gynocology clinics, at tuwing Miyerkules naman para sa, Ear, Nose and Throat- Head Neck Surgery (ENT-HNS0, opthalmology and dermatology clinics.


Tuwing Huwebes naman ang para sa family medicine and physical and rehabilitation medical clinics.

Payo ng Alkalde na bisitahin ang econsult.ocmak.gov.ph upang magkapagregister.

Maaari rin gpunatahan ang official Facebook page ng Makati City Government para sa karagadagang impormayson at instraksyon ukol dito.

Facebook Comments