Lungsod ng Makati, may 17 bagong kaso ng COVID-19

37

Nadagdagan muli ng 17 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Makati sa nakalipas na 24 oras dahilan para tumaas ang kabuuang bilang nito sa 10,444.

Batay sa tala ng Makati Health Department (MHD) mula sa nasabing bilang, 9,852 ang gumaling na sa naturang sakit.


382 naman ay mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Habang ang 210 ay ang mga indibiduwal na kabilang sa active cases na patuloy nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod.

May naitala rin ang MHD kahapon na dalawang indibiduwal na kabilang sa probable cases at 93 na suspected cases ng COVID-19.

Facebook Comments