Lungsod ng Makati, may 30 bagong kaso ng COVID-19

Kinumpirma ng Makati Health Department (MHD) na mayroong bagong 30 residente ng lungsod ang nagpositibo sa COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, muling tumaas sa 10,031 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Nagkaroon din ang lungsod ng 27 bagong recoveries, kaya naman tumaas din ang kabuuang bilang nito sa 9,303.


Nadagdagan naman ng isa ang listahan ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus, kaya tumaas ito sa 373.

Hindi rin naging mabuti ang status ng active cases sa lungsod na umabot na sa 355 matapos madagdagan ng dalawa.

Facebook Comments