Lungsod ng Makati, nakapagtala ng 95% revenue para sa taong 2023

Naabot na ng lungsod ng Makati ang 95% ng revenue target nito para sa taong 2023, matapos umabot sa ₱16.88 bilyon ang naging koleksyon noong Hunyo a-trenta.

Ayon kay Mayor Abby Binay, kalagitnaan pa lamang ng taon ay halos nakuha na ang revenue target para sa buong taon, na tumaas pa ng 22% ang koleksyon kumpara noong nakaraang taon, indikasyon ito na nakabangon na ang ekonomiya at naging mas masigla pa ito kumpara noong kasagsagan ng pandemya.

Matatandaan na nagbalik sa normal na operasyon ng mga establisyimento at kumpanya sa lungsod, pati na ang pagbubukas ng mga negosyo na siyang nagpapataas sa kita ng Makati.


Samantala, nanatili naman sa maayos ang financial stability ng lungsod na nagbibigay-daan para sa epektibong pagpapatupad ng mga serbisyo sa publiko.

Facebook Comments