Lungsod ng Mandaluyong, may bagong 2 nasawi ng dahil sa COVID-19

Kinumpirma ng Health Office ng Mandaluyong City na mayroon silang dalawang bagong nasawi na pasyente ng COVID-19.

Batay sa tala ng nasabing City Health Office o CHO, ang dalawang nasawi ay mula Barangay hulo at Barangay Plainview.

Ang Barangay Hulo ay may mayroon ng kabuuang bilang na apat na mga nasawi at ito naman ang pinakaunang pasyente ng Barangay Plainview na sumakabilang buhay ng dahil sa COVID-19.


Sa kabuuang bilang, ang Mandaluyong City ay mayroon ng 32 na mga pasyente ang nasawi ng dahil sa virus mula sa 338 na bilang ng confirmed cases ng COVID-19 at 56 nito ay mga nakarekober na.

Nasa 747 naman ang bilang ng mga suspected cases, kung saan mula sa nasabing bilang, 124 nito natapos na ang 14-day quarantine at cleared na at 40 naman ang nasawi.

Facebook Comments