Inihayag ni Dr. Alex Sta. Maria, hepe ng Mandaluyong City Health Office na nakatanggap ang lungsod ng karagdagang 41,000 dose ng AstraZeneca.
Inasahan din aniya ng lungsod ang pagdating ng bagong supply ng Sinovac ngayong araw mula pa rin sa nasyonal na pamahalaan.
Kaya naman pito sa 14 nilang mga vaccination center at site ay bukas ngayong araw upang magbigay ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19.
Kabilang sa nga nabakunahan ay ang mga priority groups na A1 o medical frontliners, A2 o senior citizens, A3 adults with comorbidities, A4 o economic frontliners at A5 o indigent population.
Samantala, pumalo na sa mahigit 319,000 na mga indibidwal sa lungsod ang nabigyan na ng bakuna kung saan mahigit 211,000 ay nabigyan na nga first dose at mahigit 108,000 ang kumpleto na ang bakuna.