Lungsod ng Mandaluyong, muling nakatanggap ng mahigit 9,000 doses ng Sinovac

Inihayag ni Mandaluyong City Health Office Chief Dr. Alex Sta. Maria na muling nakatanggap ang lungsod ng karagdagang 9,600 doses ng Sinovac mula sa national government.

Ito aniya ang dahilan kung bakit muling binuksan ang Mandaluyong City Medical Center (MCMC) mega vaccination site at ang ilang vaccination sa mga pampubliko paaralan matapos itong isara noong May 26.

Kabilang sa mga muling nagbukas na vaccination sites na nagsimula noong May 29 ay ang Hulo Integrated School, Andres Bonifacio Integrated School at Isaac Lopez Integrated School.


Sinabi ni Dr. Sta. Maria na sa ngayon ang mga babakunahan ay kabilang sa priority group A2 at A3 o mga senior citizen at persons with comorbidities.

Samantala, pumalo na sa 75,741 ang mga na bakunahan sa lungsod kung saan 59,759 ay nabigyan na ng unang dose habang ang 15,982 ay nabigyan na ng kompletong dose ng bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments