Lungsod ng Mandaluyong, nakapagtala ng walong bagong kaso ng COVID-19

Muling tumaas ang bilang ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong ngayong araw batay sa pinaka bagong tala ng health department ng lungsod.

Sa kanilang tala, nasa 5,755 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong araw, matapos itong madagdagan ng walo sa nakalipas na 24 oras.

Nadagdagan din ng dalawa ang bilang ng recoveries, kung saan nasa 5,483 na ito ngayong araw.


Umakyat sa 170 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod matapos itong madagdagan ng isa kagabi.

Nananatili naman sa 56 ang active cases ng COVID-19 ang lungsod.

Facebook Comments