Nasa ika-78 na puwesto ang lungsod ng Maynila sa itinuturing na most expensive cities para sa mga dayuhang manggagawa.
Ito ang lumabas sa isinagawang poll ng American asset management firm na Mercer kung saan nanguna sa listahan ang Ashgabat, Turkmenistan at pumangalawa naman ang Hong Kong.
Bumuo naman sa top 10 ang Beirut, Lebanon; Tokyo, Japan; Zurich, Switzerland; Shanghai, China; Geneva, Switzerland; Beijing, China; Bern, Switzerland at Singapore.
Samantala, inflation pa rin ang pangunahing dahilan ng kahirapan sa Maynila kasabay ng patuloy na paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Facebook Comments