Nakapagtala ang lungsod ng Maynila ng 63 bagong kaso ng COVID-19.
Sa datos na inilabas ng Manila Health Department, ang 63 na bagong kaso ay kabilang sa naitala nilang 380 na active cases ng virus sa lungsod.
Dalawa rin ang nadagdag sa bilang ng nasawi kaya’t nasa 801 na ang kabuuang bilang nito.
67 naman ang naitalang nadagdag sa mga nakarekober kung saan ang kabuuang bilang nito ay pumalo na sa 26,385.
Ang distrito ng Sampaloc ang siyang may mataas na bilang na naitala na nasa 72, sinundan ng Malate na may 48, Tondo District 1 na nasa 46, tig-34 naman sa Tondo District 2 at Padacan.
Sa kabuuan, umaabot na sa 27,566 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Facebook Comments