Lungsod ng Maynila, umangat sa 500 World’s Most Innovative Cities

Umangat pa ang Ranggo ng Lungsod ng Maynila sa 500 Most Innovative Cities sa mundo pagdating sa paggamit ng Smart Technology at start-up support.

Base sa 2019 Global Index of Most Innovative Cities, nasa 239th rank ang City of Manila mula sa 287th place noong nakaraang taon.

Sa Asya, pang-38 ang Manila mula sa 108 siyudad.


Ang Commercial Data Provider na 2thinknow ay ikina-classify, inira-ranggo ang 500 Benchmark Cities sa mundo base sa 162 indicators na sumusukat sa Cultural Assets, Human Infrastructure, at Networked Markets ng isang lungsod.

Sinusukat din ang performance ng isang lungsod pagdating sa Economic, Industrial at Social Aspects nito.

Itinuturing ang Maynila sa index bilang ‘Node’ City, ibig sabihin ay mayroong strong performance sa maraming Innovation Segments, na may key imbalances o issues.

Itinanghal na World’s Most Innovative City ang New York matapos maungusan ang Tokyo na nasa ikalawang pwesto na lamang.

Bumaba sa ikatlong pwesto ang London dahil sa isyu ng Brexit.

Facebook Comments