Itinanghal na panglima ang lungsod ng Muntinlupa sa lahat ng highly urbanized cities ng bansa batay sa Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) 2020 ng Department of Trade and Industry (DTI).
Pasok naman ang Makati City na pang-rank 4, rank 3 ang Pasay City, rank 2 ang Davao City, at Rank 1 ang City of Manila.
Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, maganda ang performance ng lungsod sa CMCI, dahil noong 2018 nasa rank 10 ang lungsod at umakyat sa rank 8 noong nakaraang taon.
Aniya, ang pagpasok ng Muntinlupa sa Top 5 ng CMCI 2020 ay dahil sa kanilang mabilis na pagtugon sa mga kalamidad at mas pinabuting proseso at transaksyon sa kanilang mga serbisyo sa pubkliko.
Ang CMCI ay ibinibigay taon-taon ng DTI sa mga highly urbanized cities ng bansa na may magandang performance sa ekonomiya, government efficiency, infrastructure, at resilience.