Lungsod ng Muntinlupa, nagsagawa ng Oplan Kaluluwa sa mga sementeryo

Muntinlupa – Sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang Oplan Kaluluwa para siguraduhing ligtas ang mga tao na pupunta ng mga sementeryo.

Pinangunahan ng mga opisyal ng Muntinlupa, pulisya at iba pang force multiplier ang pagbabantay sa mga sementeryo sa lungsod.

Nabatid na mayroong anim na sementeryo na binabantayan at minomonitor ng Muntinlupa Government para matiyak na walang anumang ‘untoward incident’ na mangyayari.


Pinakamalaki dito ang public cemetery sa Putatan, Muntinlupa at ang pribadong sementeryo na Everest Memorial Park sa may bahagi ng Susana Heights.

Facebook Comments