Lungsod ng Muntinlupa, naka blue-alert status pa rin dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng southwest monsoon

naka-blue alert status pa rin ang lungsod ng Muntinlupa bilang tugon sa nararanasang epekto ng habagat.

Ayon sa lokal na pamalahaan ng Muntinlupa, naka-activate na ang blue alert protocols—o naka-standby ang lahat ng concerned response agencies at handang tumugon kung sakaling lumala ang sitwasyon.

tuloy-tuloy din umano ang Disaster Risk Reduction and Management (DDRM) sa monitoring at paglalabas ng updates gamit ang mga CCTV, weather stations, at communication lines sa mga barangay.

Bukod pa rito, naka-preposition na rin ang rescue equipment, vehicles, at personnel at may naka- standby na rescue and medical teams, kasama ang City Emergency Medical Services at ambulansya.

Mayroon ding tree-cutting operations sa mga vulnerable areas.

Ayon naman sa Engineering Department, may naka-on call na disaster response team at ilalagay na ang ilang sasakyan sa city quadrangle kung kailangan ng evacuation.

Nagsagawa na rin ng declogging sa Montillano, Alabang ang ilang kawani ng LGU kasama naman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Facebook Comments