Lumabas sa ulat ng OCTA Research Team na ang lungsod ng Navotas ang nakapagtala ng pinakamataas na Average Daily Attack Rate (ADAR) sa buong bansa.
Ayon sa OCTA, 129 cases kada araw na ang average daily cases sa Navotas simula noong Agosto 7 hanggang 13 kung saan halos naging triple ito mula sa dating 41 cases lamang.
Dahil dito, tumaas ng halos 215% ang COVID-19 cases sa lungsod.
Kaya naman muling nagpaalala ang alkalde ng lungsod na mas paigtingin pa ng publiko ang pagsunod sa ipinapatupad na health protocols at hinikayat ang mga presidente nitong magpabakuna.
Samantala, sa parking lot na ginawang makeshift reception area na binabawian ng buhay ang 4 COVID-19 patients sa the Ospital ng Biñan sa Laguna.
Ayon kay Ospital ng Biñan Medicak Director Dr. Mebril Alonte, masakit man sabihin pero hindi na kaya ng kanilang ospital dahil kabilang lamang sila sa level 1 medical facility na may 50 kamang nakalaan sa mga COVID-19 patients.