Lungsod ng Pasay, humakot ng medalya sa Palarong Panrehiyon

Nakakuha na ng 18 gintong medalya ang Lungsod ng Pasay sa ginaganap na Palarong Panrehiyon o Regional Meet.

Batay sa partial at unofficial medal tally, nakakuha rin ng 10 silver medal at 24 na bronze medal ang mga atletang kalahok na mula sa koponan ng Pasay.

Nanguna ito sa kategorya ng elementarya at pumangatlo naman sa kabuuang standing.


Ang mga estudyanteng kalahok na magwawagi ay kakatawan sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Ilocos Norte sa darating na Mayo.

Facebook Comments