Lungsod ng Pasig, handa na sa roll out ng COVID-19 vaccines

23
Photo Courtesy: Pasig PIO

Handang-handa na ang Pasig City Government sa roll out at pag-administer ng COVID-19 vaccine.

Kasabay ito ng pagsisimula ng simulation para sa COVID-19 inoculation program ng lungsod bilang paghahanda sa pagdating ng unang batch ng bakuna.


Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, kahit pa dumating ng mas maaga ang mga bakuna ay tiyak na handa na ang lungsod na magsagawa ng vaccination program.

Samantala, kahit pa 95% ng populasyon sa lungsod ay nakarehistro na sa COVID-19 vaccination program sa pamamagitan ng PasigPass, aminado naman si Sotto na marami pa rin ang nag-aalinlangan na magpabakuna.

Umaasa naman ang alkalde na sakaling mairatsada na ang inoculation program at makita na ang mga doktor ay tataas na ang kumpiyansa ng mga mamamayan.

Facebook Comments