Naglabas ng abiso ang pamahalaang lungsod ng Pasig na magkakaroon ng kaunting pagkaantala sa pagturok ng ikalawang dose ng Sputnik V sa lungsod.
Batay sa kanilang abiso, sinabi ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 Vaccine Cluster na nagkakaroon ng delay ang delivery ng nasabing bakuna.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy na upgrades at latest developments ng nasabing bakuna.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, tiniyak sa kanila ng NTF na hindi makokompromiso ang efficacy ng bakuna kahit maantala ang pagbigay ng second dose nito.
Aniya, maglalabas din ng panibagong abiso ang lungsod sa publiko ukol dito kung makatanggap na sila ng update mula sa NTF.
Facebook Comments