Lungsod ng Pasig, naglunsad ng online registration para mga lumabag sa smoking ordinance

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Pasig na pwede nang mag-register online ang mga indibidwal na lumabag sa smoking ordinance ng lungsod.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang nasabing hakbang ay bilang pakikiisa ng lungsod sa “World No Tobacco Day”.

Aniya, ang online registration form ay pamumunuan ng Pasig Tobacco Control Office.


Sa halip aniya na magbayad ng 3,000 ang mga lumabag sa Pasig Ordinance No. 13, s. 2018 o Ban of Smoking in Public Places at Pasig Ordinance No. 7, s. 2019 o Regulation of Vaporized & Heated Tobacco Products in Public Places.

Maaari aniya lumahok ang mga lumabag sa smoking ordinace ng lungsod sa kanilang Smoking Cessation Seminar.

Pero kailangan aniya nilang mag-register online para masunod ang social distancing sa seminar dahil nananatiling face-to-face ito.

Makikita naman ang link ng nasabing online registration sa office Facebook account ng pamahalaang lungsod ng Pasig.

Facebook Comments