Mas pinadali pa ng lokal na pamahalaan ng Quezon ang access ng kanilang mga residente sa vaccination kontra COVID-19.
Sa ngayon ay mayroong 140 na vaccination sites sa anim na distrito na operational kada araw.
Nasa 2.8 million ang eligible na mabakunahang residente sa lungsod kabilang na ang nasa edad 5 hanggang 11.
Kabilang sa mga vaccination sites na ito ay mga health centers, malls, eskwelahan, community venues, mga simbahan, gayundin ang mga special venues tulad ng Araneta Coliseum at Quezon Memorial Circle.
Nagsasagawa rin ng vaccination sa loob ng mga subdivisions at private work spaces, mga government agencies, care homes at mga closed institutions.
Mayroon ding isinasagawang home vaccinations para sa mga nasa banig ng karamdaman at differently-abled populations.
Nagpapatuloy rin ang mga drive-thru jabs sa mall parking lots gayundin ang resbakuna ng ilang mga botika.
Ang mga interesadong magpabakuna ay maaring bumisita sa Facebook page ng QC government para magabayan sa schedules at venues.