Lungsod ng Quezon, wala ng lugar na nasa ilalim ng Special Concern Lockdown dahil sa COVID-19

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na wala ng lugar na nasa special concern lockdown dahil sa COVID-19.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Joy Belmonte kasunod ng pagkakatanggal na ng mga natitirang lugar na isinailalim sa Special Concern Lockdown (SCL).

Kabilang dito ang Alleys 1 at 2 sa Block 17 sa Barangay Bungad.


Inalis na rin sa Special Concern Lockdown ang bahagi ng Iba Street sa Barangay Paang Bundok at tatlong lansangan sa Zytec Riosa Compound sa Barangay Pasong Tamo.

Gayunman, sinabi ng lady mayor na hindi ito dahilan para magpakakampante, sa halip ay mas seryosohin ang mga health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, paghuhugas ng kamay, at social distancing.

Ayon kay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit Head Dr. Rolly Cruz, wala na silang nakikitang posibleng local o community transmission sa mga lugar na kanilang binabantayan kaya hindi na kailangan ang SCL sa ngayon.

Facebook Comments