LUNGSOD NG SAN FERNANDO SA LA UNION, ASF FREE NA

Asf Free o African Swine Fever Free na ang lungsod ng San Fernando City, base ito sa inilabas na sertipikasyon ng Department of Agriculture Regional Field Office 1.

Nakasaad sa sertipikasyon na maayos sumunod ang lungsod sa mga requirements na inilabas ng Department Of Agriculture Administrative Order No. 30 s. 2021.

Sa ngayon, nasa Yellow Zone o Surveillance Zone ang lungsod.

Matatandaan na kinumpirma ng lokal na pamahalaan ang kauna-unahang kaso ng ASF dito noong Marso 2022.

Patuloy din ang pakikipag ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga backyard hog raisers sa pagbibigay ng mga baboy para swine production recovery. | ifmnews

Facebook Comments