Umakyat sa 360 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit na dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng San Juan.
Ito’y matapos madagdagan ngayong umaga ng 20 mga bagong recoveries ng COVID-19 ang lungsod.
Batay naman sa tala ng Health Department nito, ito na rin ang ika-20 na araw sa buwan ng Hulyo na walang namatay dahil sa COVID-19 sa San Juan sa loob ng 24 oras.
Subalit mayroong 20 na bagong kaso ng COVID-19 naman ang lungsod kaya hindi gumalaw at nananatili itong nasa 284.
Dahil dito, pakiusap ng pamahalaang lokal ng naturang lungsod sa kanilang mga residente na panatilihing mag-observe ng proper physical distancing, magsuot ng mask at isuot ito nang maayos, maghugas ng kamay parati o magdisinfect gamit ang hand sanitizer o alcohol na may 70% solution.
Hinihikayat din nila na makipag-ugnayan sa kanilang hotline na 137-135 na buklas 24 oras kung sakaling may katanungan, tulong, at iba pang concerns tungkol sa COVID-19.