Nakapagtala ng 11 recoveries mula sa sakit na dulot ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) ang Local Health Department ng lungsod ng San Juan sa nakalipas na 24 oras.
Ngayong umaga, umabot na ng 1,212 ang kabuuang bilang ng recoveries sa lungsod.
Nasa 63 na ang mga nasawi na sanhi ng virus, matapos itong madagdagan ng isa kahapon.
Nasa 475 naman ang kabuuang bilang ng active cases sa lungsod ngayong araw, matapos naman magkaroon ito ng 21 bagong kumpirmadagong kaso ng COVID-19 nitong huling 24 oras.
Ang bilang ng suspected cases sa San Juan City ay nasa 293 habang zero naman ang probable case.
Hinikayat naman ni Mayor Francis Zamora ang mga residente ng San Juan City na mag-register sa sanjuan.staysafe.ph para sa mas maayos na contact tracing ng kanilang City Health Office.
Payo naman sa kaniyang nasasakupan na maghugas ng kamay parati o mag-disinfect gamit ang hand sanitizer o alcohol na may 70% solution.
Observe proper physical distancing at magsuot ng face mask at isuot ito nang maayos.