Nakatanggap ng 1000 na sakong bigas ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan City mula sa Rotary Club ng lungsod.
Ayon kay San Juan City Mayor Francisco Zamora, ang mga residente ng Barangay Onse, Tibagan, St. Joseph at Isabelita ang mga benepisyaryo ng mga nasabing ayuda.
Tig-limang kilong bigas ang matatanggap ng bawat mahihirap na pamilya mula sa mga barangay na kanilang napiling benepisyaryo.
Sinabi ng alkalde na ang Office of Senior Citizens’ Affairs ng lungsod ang namili ng mga barangay na makatatangap ng ayudang bigas.
Samantala ang San Juan ay mayroong 238 na mga confirmed cases ng COVID-19, kung saan 48 nito ay mga naka-recover na at 35 naman ang mga nasawi.
Umabot naman na ng 247 ang bilang ng suspected cases sa lungsod, ito ay batay sa pinakabagong tala ng City Health Office (CHO) ng San Juan.