Lungsod ng Taguig, inumpisahan na ang bagong anti-poverty program

Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang bago nitong programa na tinawag na Lifeline Assistance for Neighbors In-Need Care and Support o LANI Cares.

Layon ng nasabing programa na i-augment ang mga existing programs ng pamahalaan tulad ng Assistane to Individuals in Crisis Situation o AICS ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers o TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOLE).

This slideshow requires JavaScript.


Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, ang programa ay nakadisenyo upang magbigay ng comprehensive support para sa mga mahihirap, maralita, at vulnerable sectors ng lungsod.

Dagdag pa ng Cayetano na maliban sa financial assistance ay makakahuka ang mga nangangailangang pamilya o indibidwal ng food at non-food assistance sa panahon ng kalamidad.

Samantala, mayroon ding assistance na ibinibigay ang lungsod sa ilalim ng programa upang tulungan ang biktima at nakaligtas mula sa sexual at physical abuse, illegal recruitment, human trafficking, at iba pang mga sitwasyon tulad ng pagbibigay ng iba’t-ibang uri ng suporta tulad ng financial aid, food clothing, shelter, medical assistance, pre-employment assistance at psychological assessments.

Facebook Comments