Lungsod ng Taguig, isa sa may pinakamababang bilang ng active cases sa NCR

Inihayag ni Mayor Lino Cayetano na isa ang Taguig City sa may pinakamababang bilang ng active cases sa buong National Capital Region (NCR).

Batay sa tala ng lungsod, sa bawat 100,000 katao sa buong NCR, walo rito ay active cases na residente ng Taguig.

Sa ngayon, ang kabuuang bilang ng mga active cases sa Taguig ay umabot na sa 82.


Nakapagtala naman ang Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) ng 19 recoveries at 19 na karagdagang bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Sa kabuuan, ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa lungsod ay nasa 11,767 na at 11,505 naman sa recoveries na may 97.77% recovery rate.

Nanatili sa 180 ang nasawi sa lungsod na dulot ng virus na may 1.53% Case Fatality Rate (CFR).

Patuloy namang hinihikayat ng alkalde ang mga residente ng Taguig na makisa sa ginagawa nilang SMART testing program laban sa COVID-19, kung saan mayroon ng 114,058 ang na-test.

Facebook Comments