Lungsod ng Taguig, may 10 bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang lungsod ng Taguig kagabi ng 10 na bagong confirmed cases ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).

Batay sa datos ng lungsod, ang mga bagong pasyenteng na tinamaan ng virus ay mula sa Brgy. Western Bicutan, Central Signal, Lower Bicutan, Central Bicutan at South Daang Hari.

Ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa Taguig City ay nasa 450, kung saan 21 rito ay nasawi at 95 ang gumaling na sa sakit na dulot ng virus.


Simula January 27 hanggang June 2, 2020, mayroon ng 1,682 suspected COVID-19 cases ang lungsod.

Ang Taguig City Government ay patuloy na sinisiguro na mapoprotektahan ang komunidad at mga residente laban sa banta ng COVID-19.

Kaya naman patuloy na umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain ang mga COVID-19 cases sa lungsod.

Facebook Comments