Muling nakapagtala ang lungsod ng Taguig ng karagdagang 100 kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa nakalipas na 24 oras.
Ang mga bagong kaso ay mula sa Brgy. Fort Bonifacio (23), tig-10 sa Lower Bicutan at Central Signal, tig-pito sa Pinagsama at Western Bicutan, at anim sa Ususan.
Mayroon din apat na bagong kaso ng COVID-19 sa Ibayo-Tipas at tig-tatlong kaso rin sa Bagumbayan, New Lower Bicutan, Central Bicutan, North Signal, South Signal, at Upper Bicutan.
Sa Calzada-Tipas, Sta. Ana, at Tanyag ay may tig-dalawang kaso ng COVID-19.
Habang ang Barangay Bambang, Hagonoy, Ligid-Tipas, Napindan, Palingon-Tipas, Katuparan, Maharlika, North Daang Hari at South Daang Hari ay mayroong tig-isang kaso ng naturang sakit.
Sa kabuuan, ang bilang ng mga confirmed cases sa lungsod ay nasa 5,667, kung saan 5,024 dito ay gumaling na at 50 naman ang mga nasawi.
Kaya naman, ang active COVID-19 cases sa lungsod ay nasa 593.